Minahal Kita, Pero… (I Loved You, But…)

TAGALOG: Original
Sabi niya, “Isa ka sa isang milyon,
at walang sinumang makakapagpalit
sa pagmamahal ko sa’yo.”
Tama nga siya
walang nakapalit sa pagmamahal niya…
ngunit ang pagmamahal ko,
siya mismo ang nagpalit.

Ibinigay ko ang lahat ng nais niya,
buong pusong inialay,
ngunit sa huli,
para lang pala iyon sa iba.
Hindi ba’t sapat na ibinigay ko na ang lahat?
Bakit ako pa rin ang pinalitan?

Akala ko hanggang dulo tayo
pero ako lang pala ang nag-isip noon.
Ako lang ang naniwalang
hindi ka bibitaw.

Sana man lang sinabi mo
bago kita minahal nang ganito.
Ngayon, nandito ako
sa ibang mga bisig,
ngunit ang hinahanap ko
ay ang init ng iyong mga kamay.

At kung ako’y laruan lang pala sa’yo,
mas mabuti pang ako’y umalis na
para hindi na ako mapuyat,
hindi na masaktan,
at hindi na muling umasa
sa isang pusong di naman para sa akin.

ENGLISH: Translation
He said, “You are one in a million,
and there is no one who can replace
my love for you.”
He was right
no one replaced his love…
but my love,
he himself replaced.

I gave everything he wanted,
whole-heartedly offered,
but in the end,
it turned out to be for someone else.
Is it not enough that I already gave everything?
Why was I still the one replaced?

I thought we were until the end
but it was only me
who thought that.
Only I believed
you wouldn’t let go.

I wish you had told me
before I loved you like this.
Now, I am here
in someone else’s arms,
but what I look for
is the warmth of your hands.

And if I was only a toy to you,
it is better that I leave
so I won’t stay up late,
won’t get hurt,
and won’t hope again
for a heart that was never meant for me.
 

Posted in response to the challenge Language.

itz.eun.luvs

TX

15 years old

More by itz.eun.luvs